Kidnapping ng Abu Sayyaf

0 comments

Click to ResizeMahabang Panahon din ang itinagal ng mga nakidnap na ICRC Volunteers sa kamay ni Al Bader Parad. Halos nangayayat na ang mga bihag nito na sina Andreas Notter (isang Swiss National), Eugenio Vagni (isang Italiano), at si Mary Jean Lacaba (Pilipino).

Dumating ang Punto na dapat ay palalayain ang tatlo kung susunod ang Gobyerno na i-pull out ang mga sundalo sa isla ng Sulu. Ngunit nagmatigas ang gobyerno, sa katauhan ni DILG Sec. Puno. Kung ako ang tatanungin, tama lang na nagmatigas ang Gobyerno na huwag sundin ang Huling Demand ng Abu Sayyaf dahil saan ka ba nakakita ng isang Gobyerno na ang mga Bandido pa ang mas matapang sa kanila? Pero, noong napanood ko ang Interview kay Philippine Red Cross Chair Sen. Dick Gordon, bumuhos ang kanyang luha sa kawalang pag-asa at pagsusumamo na palalayain ni Al Bader Parad ang mga ICRC Workers na ang tanging ipinunta nilang tatlo sa Mindanao ay makatulong sa nangangailangan. Hiningi rin ni Sen. Gordon ang Sobriety ng Gobyerno at ng Abu Sayyaf dahil inosente at hindi damay ang tatlo sa kaguluhang nagaganap sa Mindanao.

Kung matuloy man ang Pag-pugot sa tatlong ICRC Workers, ito ay maitatala sa kasaysayan ng ICRC na kauna-unahang pagpaslang sa mga Red Cross Workers.

Maging ang Simbahang Katoliko sa Pangunguna ng Santo Papa (Pope Benedict XVI) at ni Cardinal Rosales (Manila Archdiocese) na palayain ng mapayapa at ligtas ang tatlong ICRC Workers.

In My View: Sa palagay ko lang, hindi basta-basta mapupugutan ng ulo ang Tatlong ICRC Workers dahil maliit lang ang Isla ng Sulu at napapaligiran na sila ng tropa ng Sandatahang Lakas. Bakit mag-dedemand si Al Bader Parad ng pag-pull out ng mga Sundalo ng Gobyerno sa Pamahalaan? Simple lang, dahil nais siguro lumipat ng mga Abu Sayyaf na nasa Sulu ng ibang pagkukutaan at sabay namang palalayain ang Tatlong ICRC Worker kung sila nga ay lalaking kausap.

Pero masasabi ko itong isang kabaklaan ng mga Bandido. Bakit kamo? Kung meron man silang Pinaglalaban o prinsipyo, hindi na nila kailangang mang-kidnap ng mga inosenteng tao na wala namang kinalaman sa laban ng Abu Sayyaf at ng Gobyerno. Ang pagkakamali nila ay bumihag pa sila ng mga inosenteng tao na ang tanging mithiin lang ay kapayapaan, makatulong sa nangangailangan, at punan ang kakulangan sa kanilang kapwa.

Kung tutuusin, kaya naman i-max out ng Pamahalaan ang Abu Sayyaf. Subalit, hindi ito basta-basta din magagawa ng gobyerno. Sapagkat ayon sa Intelligence Report ng Sandatahang Lakas, magkasanib-pwersa ang Abu Sayyaf at ang International Terrorist Group na Jemaah Islamiyah ng Indonesia. Ang JI ang nag-popondo sa Abu Sayyaf para sa mga armas at kagamitan.

Bilang Panghuli, nais kong ipagdasal na sana ay palayain ng matiwasay at ligtas ang Tatlong ICRC Workers. Ikalawa, malinawan sana ang mga utak ng mga Abu Sayyaf sa Pangunguna ni Parad na huwag silang magkamali na saktan o pugutan ang Tatlong ICRC Workers dahil kayang-kaya silang i-max out ng tropa ng Gobyerno.
Read On

Chip - o - Chow - Matic !

1 comments

Naging laman ng mga balita sa bansa ang Pangalan ni Chip Tsao, isang columnist sa HK Magazine. Binansagan niya ang Pilipinas bilang Bansa ng mga Alipin (Nation of Servants). Pinag-initan n'ya ang mga Pilipino sa HongKong dahil sa usapin sa Spratly Island na alam naman natin na ubod ng layo sa Mainland China o di kaya'y sa Hongkong (Base ito sa Nautical Miles).

Minaliit din n'ya ang kanyang Kasambahay na ang ngalan ay Louisa at minandohan pa ni Ginoong Tsao na tataasan daw n'ya ng sahod ang kanyang kasambahay kung ipapahayag n'ya sa kapwa n'yang Pilipino sa HongKong na ang Spratly ay pagmamay-ari ng Tsina.

Tama ba na ipamukha ni Chip Tsao na mababang klase ang mga Pilipino na nagpapaka-alipin sa ibang bansa?

Ang hindi na-realize ni Chip Tsao na malaki ang nai-aambag ng mga OFW na mga Pinoy sa ekonomiya ng HongKong. In partikular na karamihan na OFW sa Hongkong ay mga nag-aalaga ng mga bata at katiwala sa bahay ng mga amo nilang mga Intsik. Hindi makakapag-trabaho ang mga amo kung walang mga OFW na mag-aalaga sa kanilang mga anak sa Hongkong. Kahit mababa ang sinasahod ng mga OFW at may mga balita na minamalupitan pa ito ng kanilang mga amo sa Hongkong ay nilulunok na lang ng mga ito dahil trabaho ang kanilang ipinunta sa Hongkong at dahil na rin sa kahirapang makapag-hanap ng trabaho sa Pilipinas.

Hindi din na-realize ni Ginoong Tsao na hindi lang Pilipinas ang nagpapakilalang sa kanya ang Spratly. Nariyan ang bansang Brunei, Thailand, Vietnam at Indonesia. Kung bakit ang Bansang Pilipinas ang pinag-initan ni Ginoong Tsao? Maaaring naiintindihan n'ya siguro ang Batas ng UNCLOS. Ito yung turo sa amin ng Professor ko sa Politics and Governance, isang subject na na-take up ko sa Adamson University noong ECE pa ako, na ayon sa pagbabago ng polisiya ng UNCLOS (o United Nations Conventionon the Law of the Sea) noong 1982 na ang isang isla na malapit sa baseline(EEZ o Exclusive Econonic Zone) ng isang bansa mula 200 Nautical Miles ay may karapatan sa isla kung ito ay malapit sa baseline ng 12 nautical miles. Sumang-ayon sa kasunduang ito ang mga bansang Tsina (People's Republic of China), ang Vietnam at ang bansang Pilipinas.

Humingi na ng paumanhin ang pamunuan ng HK Magazine. At sinasabi na ang mga Pilipino sa Hongkong ay may malaking kontribusyon sa Hongkong (in terms of economy). Sinabi din nila na ang kolumn ni Ginoong Tsao ay maraming pakahulugan at isang Satirical ang kanyang naging Kolumn. Pero hanggang ngayon ay hindi pa MISMO humihingi ng Apology si Ginoong Tsao.
Read On