Mahabang Panahon din ang itinagal ng mga nakidnap na ICRC Volunteers sa kamay ni Al Bader Parad. Halos nangayayat na ang mga bihag nito na sina Andreas Notter (isang Swiss National), Eugenio Vagni (isang Italiano), at si Mary Jean Lacaba (Pilipino).
Dumating ang Punto na dapat ay palalayain ang tatlo kung susunod ang Gobyerno na i-pull out ang mga sundalo sa isla ng Sulu. Ngunit nagmatigas ang gobyerno, sa katauhan ni DILG Sec. Puno. Kung ako ang tatanungin, tama lang na nagmatigas ang Gobyerno na huwag sundin ang Huling Demand ng Abu Sayyaf dahil saan ka ba nakakita ng isang Gobyerno na ang mga Bandido pa ang mas matapang sa kanila? Pero, noong napanood ko ang Interview kay Philippine Red Cross Chair Sen. Dick Gordon, bumuhos ang kanyang luha sa kawalang pag-asa at pagsusumamo na palalayain ni Al Bader Parad ang mga ICRC Workers na ang tanging ipinunta nilang tatlo sa Mindanao ay makatulong sa nangangailangan. Hiningi rin ni Sen. Gordon ang Sobriety ng Gobyerno at ng Abu Sayyaf dahil inosente at hindi damay ang tatlo sa kaguluhang nagaganap sa Mindanao.
Kung matuloy man ang Pag-pugot sa tatlong ICRC Workers, ito ay maitatala sa kasaysayan ng ICRC na kauna-unahang pagpaslang sa mga Red Cross Workers.
Maging ang Simbahang Katoliko sa Pangunguna ng Santo Papa (Pope Benedict XVI) at ni Cardinal Rosales (Manila Archdiocese) na palayain ng mapayapa at ligtas ang tatlong ICRC Workers.
In My View: Sa palagay ko lang, hindi basta-basta mapupugutan ng ulo ang Tatlong ICRC Workers dahil maliit lang ang Isla ng Sulu at napapaligiran na sila ng tropa ng Sandatahang Lakas. Bakit mag-dedemand si Al Bader Parad ng pag-pull out ng mga Sundalo ng Gobyerno sa Pamahalaan? Simple lang, dahil nais siguro lumipat ng mga Abu Sayyaf na nasa Sulu ng ibang pagkukutaan at sabay namang palalayain ang Tatlong ICRC Worker kung sila nga ay lalaking kausap.
Pero masasabi ko itong isang kabaklaan ng mga Bandido. Bakit kamo? Kung meron man silang Pinaglalaban o prinsipyo, hindi na nila kailangang mang-kidnap ng mga inosenteng tao na wala namang kinalaman sa laban ng Abu Sayyaf at ng Gobyerno. Ang pagkakamali nila ay bumihag pa sila ng mga inosenteng tao na ang tanging mithiin lang ay kapayapaan, makatulong sa nangangailangan, at punan ang kakulangan sa kanilang kapwa.
Kung tutuusin, kaya naman i-max out ng Pamahalaan ang Abu Sayyaf. Subalit, hindi ito basta-basta din magagawa ng gobyerno. Sapagkat ayon sa Intelligence Report ng Sandatahang Lakas, magkasanib-pwersa ang Abu Sayyaf at ang International Terrorist Group na Jemaah Islamiyah ng Indonesia. Ang JI ang nag-popondo sa Abu Sayyaf para sa mga armas at kagamitan.
Bilang Panghuli, nais kong ipagdasal na sana ay palayain ng matiwasay at ligtas ang Tatlong ICRC Workers. Ikalawa, malinawan sana ang mga utak ng mga Abu Sayyaf sa Pangunguna ni Parad na huwag silang magkamali na saktan o pugutan ang Tatlong ICRC Workers dahil kayang-kaya silang i-max out ng tropa ng Gobyerno.

0 comments:
Post a Comment
Malaya po kayong mag-kumento. Pero kaibigan, alam mo naman siguro ang pagkakaiba ng salitang masakit sa masarap.