Nanloloko at Manloloko

Sa panahong ginagalawan natin ngayon, samu't sari ang mga nararanasan natin sa buhay. Mararanasan mong magkaroon, mararanasan mo din ang mawalan. Dadaan sa'yo ang kaunting kaginhawaan at kasaganahan, ngunit hanggang kailan ang mga ito?

Noong napanood ko sa isang balita dalawang gabi nang nakalipas, maraming mga Pilipino na naloko ng isang pekeng recruiter at ang istilo ng recruiter ay ang pangakong malaking sahod ang matatanggap ng mga ito sa Dubai bilang isang drayber. Sa Dubai na nila nalaman na nagoyo sila at dahil sa pagkalumo na sila ay naloko, hindi nila magawang bumalik dahil sa laki ng inutang nila sa isang lending company. Peke ang inalok na trabaho sa kanila.

Sa lahat ng katangian ng tao, naikukumpara natin sila sa dalawa. Pero sa paksang ito, natatangi ang pagtangi ko sa tao... may taong manloloko at may taong nagpapaloko.

Ang mga taong manloloko

Ano ba ang katangian ng isang manloloko? Ano ang dahilan kung bakit nila nakagagawang manloko sa kapwa? Bakit malakas ang kanilang loob na manloko sa kabila na may karampatang kaparusahan ito sa batas? Ilan lamang 'yan sa mga tanong na gusto kong malaman sa mga manloloko. Pero ayaw kong lokohin ang sarili ko na ang mga tanong na ito ay maitatanong ko ba sa kanila. Tayo ang sumagot ng mga tanong na iyan...

Ano nga ba ang katangian ng isang manloloko? Siyempre, sa salitang ugat na loko o trick sa ingles ang pangunahing katangian ng isang manloloko. Manloloko ka kapag may ginagawa ka o nagpapakita ka o nagkukuwento ka ng isang bagay na hindi totoo, in other words sa lahat ng katangian ng isang manloloko ay ang hindi pagiging totoo.

May dahilan sila kung bakit sila nanloloko. Una, sa gusto nilang magkaroon, makaiwas sa kasalanan, maging sikat at tanyag, makapaglinlang upang mahulog sa bitag ang maniniwala sa mga sinasabi nila o pinapakita nila, upang hindi mabuking, upang magkaroon ng kaibigan, in other words para makamit nila ang gusto nila o pakay nila. Ang isang napaka-malimit na ginagamit na dahilan ng mga manloloko ay ang salitang KAGIPITAN at KAHIRAPAN. Sinasabi nga nila na ang tao kapag nagipit ay sa patalim kumakapit. Madami ang nagigipit at nahihirapan sa buhay. Pero huwag sana maging dahilan ito upang kayo ay makapanloko ng kapwa ninyo. Ang mahirap pa nga nito ay kagaya sa isang magnanakaw... galit ang magnanakaw sa kapwa nila magnanakaw. Kagaya ng nangyari sa mga umalis patungong Dubai na naloko ng isang recruitment agency na nakabase sa Malate, Manila na ninakawan ng recruiter ng pera at pangarap ang mga naloko nito.

Bakit dumadami ang manloloko at lumalakas ang kanilang loob na manloko? Maraming dahilan. Una, dahil sa una nilang panloloko ay hindi pa sila nabibisto. Kaya gagawa pa sila ng isa pang panloloko hanggang sa madami sila na maloko.

Ikalawa, dahil may koneksyon. Siguro naman hindi pa sarado sa isipan ninyo ang Hello Garci Scandal at ang National Broadband Deal? Inamin niya ang tungkol sa Hello Garci pero sa NBN, hindi.

At ikatlo, nakatatak na sa kanyang pagkatao na siya ay manloloko. Sa kabila na may karampatang kaparusahan ang manloko, parang manhid na siya na manloko.

Pero ang manloloko ay may katapusan. Maaaring hindi sila nakikita ng tao at ng mga alagad ng batas, pero bukas ang mata ng Diyos na siyang gumagabay sa bawat isa sa atin.

Ang Naloloko at Nagpapaloko

Bakit may naloloko? Bakit may Nagpapaloko? Dalawang tanong na sa tingin ko ay kaya kong bigyan ng repleksyon.

May mga naloloko dahil sa kawalan ng malay, konting kaalaman o kung minsan ay wala, nasisilaw at naaaliw sa mga binibigkas, pinapakita o pinapangako ng mga manloloko at dahil sa kadesperaduhan sa buhay. Kung minsan, masisisi pa nga natin ang kawalan ng edukasyon kung bakit marami ang naloloko at isama na natin jan ang KAHIRAPAN at KAGIPITAN. Kagaya sa panahon natin ngayon, nagsilipana sa mga local TV station ang mga political advertisements ng mga pulitiko. Wika ng isa, "... sama-sama tayo, lalaban tayo" habang nagpapadyak ng bisikleta. Yung isa naman, "... ang galing sa hirap, tumutulong sa mahirap". Anu ba 'yan! Bakit ngayon nyo lang nila pinapamukha sa mga Pilipino ang kanilang adhikain at ginagawa. May nagsabi sa akin na kapag ang isang tao ay nakapag-tapos at may pinag-aralan, hindi siya maloloko ng kanyang kapwa. E bakit may mga titulado ang kanilang pangalan, kagalang-galang ay naloloko pa din sa kabila ng pagiging edukado nila?

May mga nagpapaloko naman dahil sa iisang dahilan; dahil sa katapatan at pagmamahal. Katapatan ay halos katumbas na rin ng salitang pagmamahal. Maihahalintulad ko ito sa usapang mag-asawa. Nagpapaloko si Mister o si Misis sapagkat sila ay nagmamahal at hindi nila kayang iwanan ang manloloko nilang partner. Kalokohan ito. Masasabi mo bang pagmamahal na nagiging gago ka na sa mata ng mga tao at ng anak mo? Ang salitang pagmamahal, iginagalang at pinagiingayang ibinibigay ito sa nararapat. Ang pagiging Martir naman ay para lamang sa mga bayani at mga santo. Kung salitang pagmamahal rin lang, sinisimulan ito sa ating mga sarili na dapat ay igalang at irespeto natin ang ating mga sarili. Ang mga nagpapaloko sa mga manloloko ay mga taong hangal. Alam na nila ang katotohanan, marahil ay ayaw lang nila o takot silang masaktan at mabigo. Ang salitang respeto ay minamahal, pinagiingatan at kinakamtan o ibinibigay sa taong nararapat. Paano ka rerespetuhin ng iyong kapwa o ng iyong mga anak kung ikaw ay nagpapaloko?

Kaya naman, magka-akibat ang salitang Manloloko ang ang Nagpapaloko sa buhay natin ngayon. At dahil dito, tila makapangyarihan pa rin talaga ang pagkakaroon ng Karunungan at Edukasyon. Alalahanin natin na hindi lamang sa mamahaling paaralan at unibersidad tayo nakaka-kuha ng karunungan at edukasyon, bagkus makakakuha tayo ng karunungan kung tayo ay magiging mulat lamang sa ginagalawan nating mundo. Buksan ang puso, isipan at kamalayan upang ang karunungan ay pumasok sa ating pagkatao.

9 comments:

  • May tanong po ako kung ano po ang legal advise nyo mabibigay sa akin kung niloko po ako ng isang real estate agent. Pinilit nya po akong kumuha ng bahay kahit ayoko marami po syang pinangako na tulong n gagawin nya po para po hindi po ako mahirapan sa pagbabayad. Pinaniwala nya po ako ng magandang investment at nangako po sya na hahanapan nya po ng tenant ang bahay na kukunin ko para di po ako mahirapan sa pagbbyad at ang sabi po nya ay kung sakaling di ko na kayang ituloy bayaran ay walang problema sya po ang hahanap ng buyer pr i re sale po ang bahay at kikita pa po ako.pero after ko po pumayag at magtiwala sa mga pangako nya po niloko lamang po nya ako at wala po syang tinupad sa pangako nya at nahihirapan napo ako sa pagbayad sa bahay at prang wala lang po sa kanya. Ano po ban ang pwede kong ikaso sa panloloko po nya s akin parang nilinlang lamang po nya ako para maka kuha po syang komisyon sa bhay na binenta po nya.

  • Contn.. bale po kase nagbibigay po sya ng maling information para lamang po may kumuha ng bahay sa kanya kesehodang mahirapan po kami at ang ending po ay di n mbbyaran ang bahay at hihilihin po ng pag ibig. Nagtiwala po ako sa kanya dhil maayos po syang nkipag usap noong una at kya wl po sya pkelam malakas po ang loob nyang manloko dahil sbi po nya diko dw sya mdedemanda dhil wala dw ako makakaso sa kanya dhil verbal lng pag uusap nmin. Pro meron din po kmi conversation s fb pr mapatunayan kopo n nkikipag ugnayan po ako s kanya at hinihiling kopo na tuparin nya ang pangako nya s akin. Puro oo lng po sagot nya pro 6 yrs. Ko npo tinitiis,byaran ung bahay wl npo natitira s shod po mg, asawa ko. Kung di npo ksi nmin itutuloy ang pgbyad,mas llo po kmi malulugi mbble wala,po lahat ng nahulog nmin. Kya po ang hiling kopo s kanya ay tuparin po nya ang pinangako po nya na hanapan khit tenant po ung bahay at kung dina po nmin kya byaran ay hahanapan nya po ng buyer un po pinangako nya at 6 yrs. Npo di sya tumupad at binable wala nlmang po nya ang mga messsge kopo s kanya.ano po ba ang pwede kong ikaso sa kanya sa,maling information po cnsb nya pr,lng mkbenta at panloloko po nya sa amin.sn po atty. Matulungan nyo po ako sa problema ko po. Maraming salamat po.

  • Tanong no po paano makikita ang itsura sa manloloko

  • Hi po. May tanong po ako paano kopo makakasauhan yung isang taong nagsanla saakin ng apartment, tapos nagbigay ng kasulatan, pero dinedeny po ng asawa niya na nakatanggap sya ng pera. Ngayon po ayaw nilang makipagusap.

  • Ano ang dapat ikaso sa taong manloloko at ilang taong ang parusa nito.salmat

  • Ano po b pede kung ikaso s taong kinsama ko higit 3 taon kmi.akala ko n sia ang mkksma ko s pagtnda ko.simulat simula pla ngsma kmi e ginmit nia lng po ko.ginwang panakip butas.nagkandautang utang ako dhil wla siang hanapbuhay kunyre e nghhnap sia trabho kya naawa p rin ako yun pla hindi.madmi siang kasinungaljngan sakin gumawa pa ng eksena nung huli pra mkaalpas sia s relasyon nmin.truma at ndedepres ako s ginawa nia dhil buo tiwla at totoo lahat pinkita ko sknya.muntik kmi mgksiraan ng mga anak ko.

  • Tanong kopo sana meron po akong kaso sa motor sakin naka pangalan co maker ko dati kong kinasama ng 10yrs at co maker kodin kaibigan nya.ngayon nakulong itong kasama ko dahil kinasuhan ko syang estaffa hiniram sakin motor hindi na sinoli at lumabas sa hall of justice carnapping ngayon po dalawa nyang kapatid ate at kuya nya nakiusap na iurong ko demanda ko at na ngako silang isosoli motor at tutulong maibalik sa company ang motor after nila makuha sakin disistance at nakalaya kapatid nila ako padin hinhabol ng company ng motor dhil hndi nila binayaran at hndi naibalik unit na motor..hndi nko gumawa ng agreement dhil nakiusap sila sakin at na ngako itong dalawang kapGaling nanaman rusi dto sabadong sabado pinarereceive nanaman sakin yung demanda ng company pag ito hndi nyo kinausap ng personal isa sainyo tandaan nyo bibigyan ko kayo ng hanggang monday ipapa blotter ko kau sa compac 1 at kakasuhan ko kayong tatlo ni arkie at cris sayo panloloko at pangako nyo sakin mag kapatid at itong kay cris madodoble kaso nya sa pang loloko at theft na ikakaso ko sakanya pag monday at tuesday pag nibigyan ko kayo...pag walang pumunta ng personal at nakipag update tandaan nyo yung kasong ibibigay ko sayo hindi ko iuurung pinahirapan nyo ako ng 3 yrs cge pahirapan at wala ng pakiusapan pag monday to tuesday hndi nyo inasikaso...atid at itong may sala.ngayon po gusto kopo sana makasuhan itong mga kapatid nya na na ngako pero niloko nila ako dahil wala kameng agreement ay pede kodin ulit kasuhan ng theft itong dating may sala?sana po matulungan nyo po ako salamat po.


  • Tanong kopo sana meron po akong kaso sa motor sakin naka pangalan co maker ko dati kong kinasama ng 10yrs at co maker kodin kaibigan nya.ngayon nakulong itong kasama ko dahil kinasuhan ko syang estaffa hiniram sakin motor hindi na sinoli at lumabas sa hall of justice carnapping ngayon po dalawa nyang kapatid ate at kuya nya nakiusap na iurong ko demanda ko at na ngako silang isosoli motor at tutulong maibalik sa company ang motor after nila makuha sakin disistance at nakalaya kapatid nila ako padin hinhabol ng company ng motor dhil hndi nila binayaran at hndi naibalik unit na motor..hndi nko gumawa ng agreement dhil nakiusap sila sakin at na ngako itong dalawang magkapatid at itong may sala.ngayon po gusto kopo sana makasuhan itong mga kapatid nya na na ngako pero niloko nila ako dahil wala kameng agreement.pede kodin ba ulit kasuhan ng theff itong dating may sala para pating pating po sana po matulungan nyo ako salamat po ...

  • Pano po kung pinatinda ka halos wala kang kinita sa pinagpaguran mo, ayaw ipakita ang totoong kinita ng tininda mo. Panloloko din iyon, ano pong aksyon ang pwede kong gawin para di na niya magawa yun sa ibang tao

Post a Comment

Malaya po kayong mag-kumento. Pero kaibigan, alam mo naman siguro ang pagkakaiba ng salitang masakit sa masarap.