Ted Failon1 commentsBiglang bumaliktad ang mundo ngayon? Ang naghahatid sa atin ng balita tuwing umaga, tanghali at hapunan ay naging laman ng balita ngayon.
Antayin na lang natin ang katotohanan at huwag sana tayo maghusga agad. Nanloloko at Manloloko9 commentsSa panahong ginagalawan natin ngayon, samu't sari ang mga nararanasan natin sa buhay. Mararanasan mong magkaroon, mararanasan mo din ang mawalan. Dadaan sa'yo ang kaunting kaginhawaan at kasaganahan, ngunit hanggang kailan ang mga ito?
Noong napanood ko sa isang balita dalawang gabi nang nakalipas, maraming mga Pilipino na naloko ng isang pekeng recruiter at ang istilo ng recruiter ay ang pangakong malaking sahod ang matatanggap ng mga ito sa Dubai bilang isang drayber. Sa Dubai na nila nalaman na nagoyo sila at dahil sa pagkalumo na sila ay naloko, hindi nila magawang bumalik dahil sa laki ng inutang nila sa isang lending company. Peke ang inalok na trabaho sa kanila. Sa lahat ng katangian ng tao, naikukumpara natin sila sa dalawa. Pero sa paksang ito, natatangi ang pagtangi ko sa tao... may taong manloloko at may taong nagpapaloko. Ang mga taong manloloko Ano ba ang katangian ng isang manloloko? Ano ang dahilan kung bakit nila nakagagawang manloko sa kapwa? Bakit malakas ang kanilang loob na manloko sa kabila na may karampatang kaparusahan ito sa batas? Ilan lamang 'yan sa mga tanong na gusto kong malaman sa mga manloloko. Pero ayaw kong lokohin ang sarili ko na ang mga tanong na ito ay maitatanong ko ba sa kanila. Tayo ang sumagot ng mga tanong na iyan... Ano nga ba ang katangian ng isang manloloko? Siyempre, sa salitang ugat na loko o trick sa ingles ang pangunahing katangian ng isang manloloko. Manloloko ka kapag may ginagawa ka o nagpapakita ka o nagkukuwento ka ng isang bagay na hindi totoo, in other words sa lahat ng katangian ng isang manloloko ay ang hindi pagiging totoo. May dahilan sila kung bakit sila nanloloko. Una, sa gusto nilang magkaroon, makaiwas sa kasalanan, maging sikat at tanyag, makapaglinlang upang mahulog sa bitag ang maniniwala sa mga sinasabi nila o pinapakita nila, upang hindi mabuking, upang magkaroon ng kaibigan, in other words para makamit nila ang gusto nila o pakay nila. Ang isang napaka-malimit na ginagamit na dahilan ng mga manloloko ay ang salitang KAGIPITAN at KAHIRAPAN. Sinasabi nga nila na ang tao kapag nagipit ay sa patalim kumakapit. Madami ang nagigipit at nahihirapan sa buhay. Pero huwag sana maging dahilan ito upang kayo ay makapanloko ng kapwa ninyo. Ang mahirap pa nga nito ay kagaya sa isang magnanakaw... galit ang magnanakaw sa kapwa nila magnanakaw. Kagaya ng nangyari sa mga umalis patungong Dubai na naloko ng isang recruitment agency na nakabase sa Malate, Manila na ninakawan ng recruiter ng pera at pangarap ang mga naloko nito. Bakit dumadami ang manloloko at lumalakas ang kanilang loob na manloko? Maraming dahilan. Una, dahil sa una nilang panloloko ay hindi pa sila nabibisto. Kaya gagawa pa sila ng isa pang panloloko hanggang sa madami sila na maloko. Ikalawa, dahil may koneksyon. Siguro naman hindi pa sarado sa isipan ninyo ang Hello Garci Scandal at ang National Broadband Deal? Inamin niya ang tungkol sa Hello Garci pero sa NBN, hindi. At ikatlo, nakatatak na sa kanyang pagkatao na siya ay manloloko. Sa kabila na may karampatang kaparusahan ang manloko, parang manhid na siya na manloko. Pero ang manloloko ay may katapusan. Maaaring hindi sila nakikita ng tao at ng mga alagad ng batas, pero bukas ang mata ng Diyos na siyang gumagabay sa bawat isa sa atin. Ang Naloloko at Nagpapaloko Bakit may naloloko? Bakit may Nagpapaloko? Dalawang tanong na sa tingin ko ay kaya kong bigyan ng repleksyon. May mga naloloko dahil sa kawalan ng malay, konting kaalaman o kung minsan ay wala, nasisilaw at naaaliw sa mga binibigkas, pinapakita o pinapangako ng mga manloloko at dahil sa kadesperaduhan sa buhay. Kung minsan, masisisi pa nga natin ang kawalan ng edukasyon kung bakit marami ang naloloko at isama na natin jan ang KAHIRAPAN at KAGIPITAN. Kagaya sa panahon natin ngayon, nagsilipana sa mga local TV station ang mga political advertisements ng mga pulitiko. Wika ng isa, "... sama-sama tayo, lalaban tayo" habang nagpapadyak ng bisikleta. Yung isa naman, "... ang galing sa hirap, tumutulong sa mahirap". Anu ba 'yan! Bakit ngayon nyo lang nila pinapamukha sa mga Pilipino ang kanilang adhikain at ginagawa. May nagsabi sa akin na kapag ang isang tao ay nakapag-tapos at may pinag-aralan, hindi siya maloloko ng kanyang kapwa. E bakit may mga titulado ang kanilang pangalan, kagalang-galang ay naloloko pa din sa kabila ng pagiging edukado nila? May mga nagpapaloko naman dahil sa iisang dahilan; dahil sa katapatan at pagmamahal. Katapatan ay halos katumbas na rin ng salitang pagmamahal. Maihahalintulad ko ito sa usapang mag-asawa. Nagpapaloko si Mister o si Misis sapagkat sila ay nagmamahal at hindi nila kayang iwanan ang manloloko nilang partner. Kalokohan ito. Masasabi mo bang pagmamahal na nagiging gago ka na sa mata ng mga tao at ng anak mo? Ang salitang pagmamahal, iginagalang at pinagiingayang ibinibigay ito sa nararapat. Ang pagiging Martir naman ay para lamang sa mga bayani at mga santo. Kung salitang pagmamahal rin lang, sinisimulan ito sa ating mga sarili na dapat ay igalang at irespeto natin ang ating mga sarili. Ang mga nagpapaloko sa mga manloloko ay mga taong hangal. Alam na nila ang katotohanan, marahil ay ayaw lang nila o takot silang masaktan at mabigo. Ang salitang respeto ay minamahal, pinagiingatan at kinakamtan o ibinibigay sa taong nararapat. Paano ka rerespetuhin ng iyong kapwa o ng iyong mga anak kung ikaw ay nagpapaloko? Kaya naman, magka-akibat ang salitang Manloloko ang ang Nagpapaloko sa buhay natin ngayon. At dahil dito, tila makapangyarihan pa rin talaga ang pagkakaroon ng Karunungan at Edukasyon. Alalahanin natin na hindi lamang sa mamahaling paaralan at unibersidad tayo nakaka-kuha ng karunungan at edukasyon, bagkus makakakuha tayo ng karunungan kung tayo ay magiging mulat lamang sa ginagalawan nating mundo. Buksan ang puso, isipan at kamalayan upang ang karunungan ay pumasok sa ating pagkatao.
Subscribe to:
Posts (Atom)
|